Travel blogs by Travellerspoint

Birthday/Christmas Wish

sunny

starbucks_..lanner5.jpg

Malapit na ang birthday ko at ang Pasko. Kaya naman nag iisip na ako ng mga regalo na gusto ko. Minsan, mahirap talaga kapag halos malapit sa Pasko ang birthday mo. Una, dahil gagawing isa na lang ang regalo sayo at pangalawa, kahit isang bes ka lang reregaluhan, hindi naman pwedeng isa lang ang party mo. Unfair diba?

But that's another issue...

At dahil excited ako, naisip ko na ilagay sa blog ko ang pinaka gusto kong regalo; Ang bagong Starbucks Planner.

Sa totoo lang, lagi akong meron planner na galing starbucks dahil sa mga kaibigan ko. Since 2008, mga kaibigan kong matalik ang nagbibigay sa akin ng starbucks planner (I love it! este, I love them!).

Ehem...

Kaya naman this year, kumakatok akong muli sa may mabubuti at busilak na pusong kaibigan ko na kung maaari, kaysa bigyan nyo ako ng kandila, damit o bag, bigyan nyo na lang ako ng Starbucks Plaaner- yung silver ha?- ang ganda kasi eh.

P.S.

Ipagluluto ko ng cookies (kahit anong flavor) yung magbibigay sa akin ng planner, promise yan! :)

===Picture courtesy of animetric.blogspot.com======

Posted by jowiboi 08:18 Archived in Philippines Comments (0)

Blank and Empty

"you leave us blank and empty..."

sunny

Alam kong minsan, hindi natin alam na nakakasakit tayo. Na minsan, ayaw man natin, hindi man natin sadyain, nakagagawa tayo ng mga bagay na nag-iiwan ng pait sa puso ng mga tao sa paligid natin. Sa totoo lang, kahit pilitin natin na wag makasakit ng kapwa, darating at darating ang panahon na may magagawa tayong makakasakit sa mga taong mahal natin.

Ang sabi nila, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Naniniwala ako dito- pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Natutunan ko ang mga aral sa buhay sa mas mahirap at delikadong paraan. Alam ko ang pakiramdam ng taong ibinigay ang lahat para lamang mabigo sa huli. Naranasan ko na ang pinakamapait na pagbaksak. Nagdaan ako sa butas ng karayom. Pinagsisihan ang napakaraming desisyong ginawa ko. Pinilit ko na ring isiping walang mali sa mga ginawa ko dahil wala namang talagang nagkakamali sa buhay. Ang lahat ay pagsubok na kailangan kong pagdaanan para maging mas matatag ako- dahil ginusto ko yun.

May kanya-kanya tayong suliranin sa buhay, kanya kanyang paraan ng pagdadala at paglutas sa mga ito. Ang mga ginawa ko at ginagawa ang mga paraan na napili ko. Sana maintindihan ninyo.

Sa lahat ng mga taong nasaktan dahil sa mga desisyong nagawa ko, gusto kong humingi ng tawad. Hindi ko gustong masaktan kayo o madamay sa mga pagsubok na pinagdadaanan ko- mga pagsubok na ginusto kong harapin. Naniniwala ako na hindi dapat tayo nagdudulot ng sakit sa ibang tao- at kung hindi natin sinasadyang makasakit, humingi tayo ng kapatawaran.

Humihingi ako ng kapatawaran mula sa aking mga kaibigan.

Posted by jowiboi 05:46 Archived in Philippines Comments (1)

Ang Bagong Tripsilog

sunny

Nung una akong nagsulat sa Tripsilog, ginamit ko itong kasangkapan upang magpasaya ng mga tao. Ang sabi ko nung una, tungkol ito sa mga trip ko, sa trip ng mga kaibigan ko at sa trip ng ibang tao- at nagawa ko naman ang lahat ng ito. Nakapagpatawa ako, nakapagpangiti, nakapagpasaya- mga bagay na mas higit pa kaysa sa inasahan ko. Naging masaya ako sa pagsusulat sa Trispsilog. Pero napagod ako, nagsawa.

Nakalimutan ko na kung bakit ko ginawa ang Tripsilog noon. Para nga ba sa akin? O para sa mga taong gusto kong pasayahin? Kung tutuusin, tama ang isa kong kaibigan nung sinabi na nya hindi ko na kailangan ang Tripsilog kung pagpapasaya lang ng tao ang gusto kong mangyari. Pwede nga namang magkwento na lang ako sa mga tambay, labandera at kung sino lang sa kahit saang kanto at mapapasaya ko sila... Pero yun lang ba talaga ang gusto kong mangyari?

Kaya naman sa muling pagsulat ko sa blog na ito, naisip kong gawin kung ano talaga ang gusto, isulat kung ano ang talaga ang mga trip ko at umasang makapagpapasaya pa rin ako ng mga tao.

Ladies and Gentlemen,

Ang bagong Tripsilog:

Ang mga Trip ko, mga kwentong akin- sa buhay, mga pangarap, kasawian, ka-emohan, adventures at ehem, misadventures, served over a plate of hot sinangag and eggs over easy. :)

Posted by jowiboi 21:49 Archived in Philippines Comments (0)

Budget accommodation in Philippines

Read reviews from other Travellerspoint members.

Sa Babasa Nito...

"Di ko hinihinging pakamahalin mo, tawana't dustain ang abang tula ko; gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang baguhin ang berso." -Francisco Balagtas

sunny

TripSilog...

Ayun. Isang araw naisipan kong mag blog. I-blog ang lahat ng gusto kong I-blog. Mga pagkain, mga kaibigan, mga pinuntahan, pupuntahan, pinupuntahan, mga pangyayaring sa tingin ko ay pwedeng i-share sa general audience na hindi kailangan ng supervision ng MTRCB. In short ung mga trip ko...

Lalamanin ng blog na ito ang lahat ng mga trip ko at trip ng ibang tao sa buhay buhay...

Food trip. Laugh trip. Gala trip. Barkada trip. Guilt trip. WAAAAH! Samu't saring trip! At lahat ng ito mas masarap ikwento sa inyo over a plate of Sinangag and a couple of eggs.

Posted by jowiboi 14:26 Archived in Philippines Comments (0)

(Entries 1 - 4 of 4) Page [1]